Header AD

De Lima, dinala na sa Supreme Court ang laban nila ni Duterte

Here's the transcript of De Lima's interview before she filed the petition of writ of habeas data against President Duterte before the Supreme Court.
...a special remedy in case... sa mga sobra na binibitawan ng pangulo laban sa akin lalo na mga personal na buhay ko. lalo na yung mga pagka babae ko, lalo na mga kabastusan na mga sinasabi n'ya na wala namang kinalaman sa kanyang tungkulin bilang isang pangulo. yan po ay iyang malaking violation ng aking karapatan. at yan po isang remedy po yan na sa tingin ko pupwede. although this is a test case, this is a noble case.

ang pinaka tanong dito, pwede ba ang isang nakaupong pangulo ay magsagawa ng isang personal vendetta laban sa isang tao, isang babae, isang kapwa lingkod bayan na gamit ang pwersa ng kangyang opisina na nilalabag ang karapatan ng babae na yan, ako po yun.

Reporter: but sinasabi the president is immune from any suit maam diba?

Test case din po ito. sinasabi rin po yan sa petition na hindi po applicable ang doctrine of presidential immunity dahil wala namang kinalaman sa kanyang pagka pangulo ang mga sinasabi nya tungkol sa akin lalo na ang mga kabastusan, yung mga pagmumura na ginagawa n'ya sa akin, hindi po absolute rule...

Ang iaahin ko po ngayon is the first of a series of legal offensives na gagawin na ho namin na kontra sa Pangulo mismo. At yan po ang pinaka una ay itong petition for habeas data. Just like the writ of amparo, habeas data is a special or extraordinary remedy na pwedeng i-avail ng mga nalalabang ang karapatan.

Naka saad po sa petition namin yung mga ilan ilan na mga okasyon na ang pangulo ay nagmumura at kung anu-ano po yung sinasabi nya tungkol sa akin lalo na yung aking pagkababae na wala hong kinalaman sa kanyang posisyon bilang isang Pangulo. Na sobra po ang mga binibitawan nyang mga salita na pinabababa, na binabastos ang aking pagkatao ang aking pagkababae gawa nga ng kanyang personal vendetta sa akin.

This is a first case of a transcendental importance. ang pinaka tanong dito, pwede ba ang isang nakaupong pangulo ay magsagawa ng isang personal vendetta laban sa isang tao, laban sa isang babae, sa pamamagitan ng iligal na pangungulekta ng mga impormasyon tungkol sa pribadong buhay tungkol sa isang babae na yan.

So ako po yung babae na yan ako yung public official na yan na non-stop po yung mga panglalait po sa akin ng pangulo.

Test case po ito dahil ang habeas data ay bihira po yan gamitin tapos yung presidential immunity naman po ay ating susubukan dahil ang paniwala ho natin ay hindi po yun applicable.
De Lima then proceeded to the SC building to file the petition.
De Lima, dinala na sa Supreme Court ang laban nila ni Duterte De Lima, dinala na sa Supreme Court ang laban nila ni Duterte Reviewed by Raelyn Luchansky on 9:20:00 PM Rating: 5

Post AD