Header AD

#TheNietoRequest: What led President Duterte to say yes to form Malacanang Social Media Corps

Trixie Cruz-Angeles details how they 'got the President to say yes to socmed access.'
Krissia Luchansky
PTPA- Krissia Luchansky
This post was originally posted on Luciferous by Trixie Cruz-Angeles Facebook page.
Nung pumasok sa kwarto si Presidente, ang una nyang ginawa ay nakipagkamay sa aming lahat. Nang nakaupo sya, kinamusta kami, nagkwento ng konti, na galing nga sya ng Cabinet meeting. Pasensya na daw at ngayon lang nakalabas. Medyo may konting mga isyu.

Nang medyo naka settle na sya sa upuan, nabigla nya kami nung sinabi nyang, "You can ask me anything. Anything at all."

Eh di syempre, natameme muna kami. Anong anything? Kahit lovelife, ganun?

Anything daw eh.

Pero syempre sandali lang kami tahimik. Umarangkada na ang mga tanong. Isa sa mga stand out na tanong yung sinabi ni Thinking Pinoy - TP na kung maaari ay makasama naman sa press briefings ang social media.

Sabi ni Presidente, "Ok. Sige, we can do that."

Tameme na naman kami panandalian, bago nagumpisa uli ang tanungan.

Two hours later di pa rin kami makapaniwala. Pero kinumpirma ni Sec. Abella, na sumama sa amin nung audience namin, na dahil nga pumayag ang Pangulo, detalye na lang an i-arrange nila.

Kung kaya't ang laki ng tuwa ko nang malaman ko na in-announce na ng Malacanang na tuloy na ngang mabibigyan ng access ang social media sa mga press briefing sa paraan ng isang social media corps.

Tutoo na ito!
#TheNietoRequest: What led President Duterte to say yes to form Malacanang Social Media Corps #TheNietoRequest: What led President Duterte to say yes to form Malacanang Social Media Corps Reviewed by Raelyn Luchansky on 12:04:00 PM Rating: 5

Post AD