Header AD

Totohanan na! Debunking the lies of Cynthia Patag point-by-point

This is how you nail someone down like Cynthia Patag.

This response of Mags Z. Maglana to the lies peddled by Cynthia Patag has officially gone viral.

Patag, just like other Yellow Zombieland faithful, is still trying to destabilize President Duterte's government by peddling lies that are outright outrageous.
Noah Luchansky
Then Mayor Duterte and officials from the LGU, UP inspect the scale model of the newly launched  Davao City Sports Complex.
Having personally witnessed how her city was ran and transformed by a Rody Duterte, Maglana decided to answer Patag's lies point-by-point.

Here's how it goes:

Pwedeng-pwedeng sagutin ang mga ganitong punto nang mahinahon at dahil lang sa kagustuhang magtuwid at magbukas ng diskusyon:

1. Walang city hospital. Oo, walang Davao City Hospital as such. Pero may Southern Philippines Medical Center (SPMC) na isang DOH Level 4-retained hospital na nasa Davao City. Sabi ng Davao City Comprehensive Development Plan (CDP) 2012-2021, of 49,319 total admissions, 45,327 o 91.91% ay taga-Davao. Sa pagkakaalam ko, may suportang ibinibigay ang City Government sa SPMC. 

By the way, ayon pa rin sa CDP may 30 hospitals sa Davao, both public and private with 2,153 citywide bed capacity, bukod pa sa 16 District Main Health Centers, at 165 Barangay Health Stations out of 182 barangays. Maraming dapat ayusin na health challenges, pero simplistic yata na gawing panukatan ang presence/absence ng isang facility.

2. Walang science high school. Magandang mungkahi yang magkaroon ng science high school. Like all serious initiatives, dapat pag-aralan ang medium to long-term demand at kaayahan. By the way, may branch ang Philippine Science High School sa Davao City (nasa Mintal, malapit sa UP Mindanao). 
Dapat alamin kung may naging kontribusyon ang City Government sa pagpapatayo at pagpapatakbo ng Pisay sa Davao. Kailangan ding isipin kug makakatulong ba kung "karibalin" ito by setting up another one.

3. Walang city college o university. Like the rest of the points, it boils down to the question of the model of service delivery na ginagamit. Pwede namang magbigay ng access to higher education through scholarships, subsidies, among others without running your own facilities. 
May 48 colleges and universities sa Davao, kasama na doon ang UP Mindanao. Baka nga sa halip na magtayo ng sariling institusyon ay tulungan pa ng City Government ang mga existing higher educational institutions para maayos ang serbisyo. Makumusta nga bukas sa LGU ang education support nito.

4. Walang sports complex. Merong pinatayo ang administration ni dating Mayor de Guzman pero mothballed dahil may safety (and alleged corruption) issues. May kasalukuyang ginagawa sa malapit sa UP Mindanao.

5. Walang government-owned convention center. Madalas may activity kagaya ng Women's Summit sa Almendras Gym na hindi pang-sports lang. At may Davao Convention Center pero di ko alam kung pribadong pag-aari. May SMEX naman kung para sa mga malakihang events pero siyempre may bayad. Pero it goes to the question again, kailangan talaga government-owned? 
Photo credit to enterdavao.com 
Paano kung meron nga pero lugi naman dahil hindi talaga ganoon kalaki ang demand for it? Pandagdag pa sa gastusin ng siyudad.

6. Walang tourist attractions sa sentro. I guess depende sa turista at sa notion ng "sentro". 
Photo credit to Libotero
May People's Park, Museo Dabawenyo, Davao Museum, Matina Town Square, atbp. At sa laki ng land area ng Davao, pwedeng i-argue na nasa "sentro" pa rin ang Philippine Eagle, Malagos Gardens at Eden. Pero the question needs to be asked, kailangan talaga na nasa "sentro"? Aba'y puro malls at mga restaurant lang ang pwedeng maging tourist attractions kung ganun. Hindi naman itinatatwa na ang Davao ay gateway sa mga kalapit na tourist attractions kagaya ng Mt. Apo, Island Garden of Samal, at mga caves ng Compostela Valley.

7. Walang mga bagong libro ang city library. Itse-check ko sa Lunes. 

Paki-check na rin kung ano ang latest acquisition ng inyong city library.

Hindi perpekto ang Davao City. Maraming dapat ayusin at kagaya ng iba pang lokalidad, maraming dapat paghandaan habang lumalaki ang populasyon at mas nagiging complex ang mga challenges.
Kaya dapat magtulungan ang local government, national government, mamamayan, pribadong sektor, civil society, atbp. At ang tawag diyan ay governance relationship, at local peace and development work.

Huwag namang i-equate ang Davao City sa mga Duterte. Our history, and the explanation of where we are now and how we got here, go back far longer than the 31+ years na may isang Duterte na in power sa Davao. May ambag at taya ang maraming henerasyon.
Photo credit to tuklaserangmatipid.com
If you want to honestly discuss with us areas for improving Davao City, and down the line the lives of those who call Davao home (many of whom are not originally from here by the way), you are welcome.

Pero kung selektibong kokomentaryohan ang kalagayan ng siyudad at maging bala lamang sa propaganda, salamat na lang po.

Gaya nang gusto ninyong ipahiwatig, maraming dapat ayusin sa Davao. At mas gusto naming maglaan nang oras para harapin at lutasin ang mga problemang ito kaysa magkwentahan at magtalo sa social media kung ano ang meron o wala.

Siyanga pala, kumusta ang siyudad o munisipyo ninyo?

PS: Hindi ako Dutertard.

And that, my friend, is how you tackle bigots like Cynthia Patag.

Totohanan na! Debunking the lies of Cynthia Patag point-by-point Totohanan na! Debunking the lies of Cynthia Patag point-by-point Reviewed by Raelyn Luchansky on 8:30:00 AM Rating: 5

Post AD