Header AD

I-impeach na 'yan! Leni Robredo's 'Meralco shares' dilemma

ON THE MERALCO SHARES OF LENI
By Atty. Bruce Rivera

Madami po ang nagPM sa akin tungkol sa explanation duon sa Meralco shares at bakit impeachable siya. Eto po ang pinakasimpleng explanation.

Nuong panahon ni PNoy, napatalsik nila si CJ Corona. At namatay si Chief Justice dahil sa sama ng loob. Kasi ang dahilan ng pagkakaalis niya ay may dollar accounts siyang hindi naideclare (na hindi naman malaki) sa SALN niya. Ang dahilan ni CJ, hindi sa kanya yun at gamit lang ang pangalan niya para iaccommodate sa negosyo ng kamag-anak niya. At malamang, nakalimutan niya sa dami ng nasa isip niya. Ako nga hindi CJ, bayad ng internet nakakalimutan ko.

Pero hindi ito dahilan para sa mga hurado na mga senator kasama sina Trillanes, Drilon et al. Walang good faith. Impeachable yun.

Enter Leni at ang SALN niya nuong tumakbo silang bilang Congresswoman. Hindi binigay sa amin sa SALN niya bilang VP candidate kahit isang buwang mahigit na kami humihingi.

Sa SALN na yun, ang assets niya nasa 8m mahigit tapos dun sa Business Interest, may nakalagay Meralco Shares. Walang halaga, walang number of shares. Walang description. Iba ang assets sa business interest. Ang asset, pag-aari mo o ng asawa mo. Ang business interest, hindi mo pag-aari.

May interest ka lang dahil pag-aari ng ward mo dahil guardian ka, ikaw ang magmamana nun, may collectible ka sa may-ari ng shares na yun etc.
Inamin niya mismo sa TV na sa kanila yun at hindi niya alam ang halaga. Pero hindi depensa yun dahil abogada siya at alam niya ang batas. Yan din ang sinabi nina Trillanes kay CJ Corona dahil nga abogado siya.

Kung kayang ipa-impeach ng mga dilawan si Corona dahil sa katangahan o di kaya dahil nakalimutan niya ilagay yun, mas masagwa ang ginawa ni Leni.
Alam niya na may Meralco shares siya. Alam niyang tataas yung networth niya pag nilagay yun. Kahit konti pero tataas. Ano ang dahilan bakit niya itago yun? Hindi natin alam pero mali pa din. Kasi asset yun at kailangan may halaga. Hindi dahilan na hindi niya alam ang halaga dahil publicly listed ang shares at abogado siya na pwedeng pumunta sa Meralco at magtanong. Nakakabus nga siya papuntang Naga. At bilang abogado, alam niya ang kaibahan ng assets sa business interest.

Ganito lang yan. Kinakastigo ng mga Dilawan si PRD dahil tumaas ang assets niya after becoming President. Paano nila nalaman? Dahil nagsabi si PRD. At kung titignan ang records, tataas talaga dahil halos wala na siyang gastos sa pamasahe at pagkain and all dahil nga President siya. Pero nagsabi siya ng totoo.

In short, kailangan nila magsabi ng totoo sa SALN kasi yan lang ang basehan natin kung nagnakaw sila o wala sa taumbayan. At kung sa simula pa lang ay nilinlang na tayo sa SALN, paano tayo nakakasiguro na hindi tayo linlangin. That is BETRAYAL OF PUBLIC TRUST.

Yun lang po.

Bruce Villafuerte Rivera
Bruskoday
Minerva Fuschia Rivera

I-impeach na 'yan! Leni Robredo's 'Meralco shares' dilemma I-impeach na 'yan! Leni Robredo's 'Meralco shares' dilemma Reviewed by AsianPolicy.Press on 12:08:00 AM Rating: 5

Post AD