Header AD

Letters from Marawi: From 8th Scout Ranger Company - Day 28

Day 28
From our 8th Scout Ranger Company:
"Utot lang daw po pahinga, walang liguan."
Totoo po yan. Pag tuloy tuloy ang labanan pati pag tooth brush makakalimutan. Wala na rin palitan ng underwear. Yong kunting pahinga ay iiidlip na lang pambawi ng lakas. Ang linilinis lang palagi yong kanilang mga baril. Di na baleng mabaho basta huwag lang sumablay ang kanilang mga armas. At kung minsan nagpapalit din ng medyas lalo kung basa at may sugat.

Salamat mga musang sa mga sakripisyo at pagmamahal niyo sa ating bayan. Ang aming dalangin ay nasa inyo. Dalangin ko na ibigay ng ating Panginoon Diyos sa kamay niyo lahat ng terorista sa Marawi. Pagpalain kayo.

Kung mapapansin niyo, grabe ang idinulot na pinsala ang ginawa ng labanan na ito. Matinding rehabilitation program ang kailangan para maibalik ang kagandahan at kaayusan sa Marawi City.


Photo from SR Book

Letters from Marawi: From 8th Scout Ranger Company - Day 28 Letters from Marawi: From 8th Scout Ranger Company - Day 28 Reviewed by AsianPolicy.Press on 6:44:00 AM Rating: 5

Post AD