Header AD

Risa Hontiveros is an idiot; Here's the proof


Narito ang paglilinaw mula kay Atty. Trixie Cruz-Angeles

Bakit pinagpipilitan nina Risa Hontiveros na terrorists ang Maute? Part 1.

Ang obvious na sagot ay dahil kinikwestyon nila sa Korte Suprema ang deklarasyon ng martial law, na di daw kasama ang terrorism, kundi, ayon sa batas, rebelyon lang at invasion.

Pero mali yon eh. Tulad nga ng sinabi dito dati, ang rebelyon ay kasama sa krimen ng terorismo. May dagdag lang na elemento ang terorismo, na kailangan may aspeto ng coercion, na isinagawa ang acts of rebellion para may maipilit ang mga terorista sa gobyerno. Halimbawa, magpapa release ng mga prisoners or magpapull out ng national defense troops sa isang lugar.

But wait, there's more!

Hindi kailangan mapatunayan na KRIMEN ng rebelyon ang ginawa ng Maute, nguni't sapat na na maliwanag sa presidente na nagrerebelde ang mga target suspects AT THE TIME OF THE DECLARATION.

Hindi kailangan proof beyond reasonable doubt na may actual crime ng rebellion, pero na sa pag appreciate ng Pangulo sa pangyayari, ay rebelyon ang nagaganap.

So yung sinasabi ni Sen. Risa na "They are terrorists!" Well, yes, they could be. But they are also committing acts of rebellion, which therefore qualifies the declaration of martial law. Sa madaling sabi, Sen. Risa wag pagpilitan. Di ka na pinapansin ng pangulo dahil kahit tama ka, hindi apektado ang deklarasyon ng martial law!

Aral aral lang po, pag may time. O, kahit din pag wala. Kasi trabaho nyo po ang pag observe kung paano na execute ang mga batas kung sakaling kailangan baguhin ito.

#HayNaku

---------------

Bakit gusto nina Risa Hontiveros na terrorism at hindi rebellion? Part 2.

Short answer because while the Human Security Act or RA 9372 provides for legal measures to address it, mas marami itong requirements at mas masalimuot gamitin.

Nuong ginagawa ang RA 9372, mataas ang concerns ukol sa terrorism. Kakatapos lang mangyari ang 9/11 sa US, nag react ang gobyerno nito at nagsagawa ng mga batas tulad ng USA PATRIOT Act o ang: Uniting and Strengthening America by Providing Appropriate Tools Required to Intercept and Obstruct Terrorism Act of 2001. Ang batas na ito ay may mga objective:

"The major objective of the Patriot Act is "to deter and punish terrorist acts in the United States and around the world [and] to enhance law enforcement investigatory tools" by dramatically reducing restrictions pertaining to law enforcement requests to search telephone records, e-mail communication, and health records. The Patriot Act allows for the emergency disclosure of electronic communications to protect life and broadens the definition of terrorism to include acts of domestic terrorism. Under the Foreign Intelligence Surveillance Act, the Patriot Act allows the director of the Federal Bureau of Investigation or a designee of the director to apply for an order requiring the "production of any tangible things (including books, records, papers, documents, and other items) for an investigation to protect against international terrorism or clandestine intelligence activities." [http://bok.ahima.or/doc?oid=106172#.WT8N7MYlFzo]

Sa madaling sabi, maraming mga probisyon sa mga batas nila ay na amyenda para mabawasan ang mga safeguards to privacy, due process at iba pa.

Gumawa rin ang Estados Unidos ng Homeland Security Act at ginawan ng additional exemptions ang Freedom of Information Act nila.

Dahil worldwide ang concern ukol sa terrorism, gumawa rin tayo ng batas, nguni't maraming tumutol sa pagbabawas ng safeguards sa privacy at due process. Halimbawa, sa US, naging legal mangolekta ng information through wiretapped phone conversations na di na kailangan dumaan pa sa hukuman. Di gaya ng dati, bago mag wiretap kailangan muna makakuha ng warrant sa korte.

Dahil sa dami ng tumututol, na water-down ang Human Security Act, at ang nangyari ay naging MAS MAHIRAP ang mag pa wiretap kung ang krimen ay TERRORISM.

Halimbawa, sa Terrorism bago mag gamit ng wiretap (which can include hidden cameras with audio, etc) ay kailangan kumuha ng warrant sa Court of Appeals. Pero bago nun, kailangan yung team ng investigators na hihingi ng warrant ay authorized ng Anti-Terrorism Council. Ang lifespan ng order for wiretap ay 30 days. Kung gusto itong i-extend, kailangan bumalik sa hukuman.

Sa pagkuha ng wiretap para sa krimen ng rebellion, ang warrant ay nanggagaling lang sa Regional Trial Court ng lugar kung saan i-conduct ang wiretap. Valid ito for 60 days. Walang prior clearance from any council.

Sa madaling sabi, pag rebellion, bukod sa maaaring gawing basehan ito ng pag deklara ng martial law, mas maluwag ang maaaring legal na paraan para imbestigahan ito.

Medyo nakaka gulat nga lang na mas mahirap pa i-address ang terrorism kasi alam natin malala ang krimen na iyon. Kung kaya't mas maigi siguro abisuhan sina Sen. Hontiveros na dapat i-correct nila ito. Di ba trabaho nila ang pag amyenda ng batas?

Risa Hontiveros is an idiot; Here's the proof Risa Hontiveros is an idiot; Here's the proof Reviewed by AsianPolicy.Press on 2:15:00 AM Rating: 5

Post AD