Header AD

Mga kabataang nag-viral ang pot session, mangiyak-ngiyak na sumuko sa pulis

Anim sa pitong lalaki na nakunan sa video na nag-viral sa social media na tila gumagamit ng marijuana at nagmura kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sumuko sa pulisya ng Malabon City.

Sa Twitter posts ng reporter ng GMA News na si Cedric Castillo, sinabing humingi ng paumahin ang mga lalaki kay Pangulong Duterte dahil sa kanilang mga sinabi sa video.

Six of the seven young men who smoked “weed” and cursed at President Rodrigo Duterte in viral video surrenders to Malabon City Police.


Sa naturang video, ipinagmalaki ng mga lalaki ang kanilang bisyo at ipinakita ang isang supot na plastik na may laman na tila mga tuyong dahon.

Iginiit nila na dapat na umanong gawing legal ni Duterte ang marijuana. Ikinatwiran din nila na wala silang ginagawang masama at nagpapasaya lang.

Napanood na umano ni Special Assistant to the President Christopher "Bong" Go ang naturang video at tiniyak din niyang mapapanood din ito ng pangulo, sabi sa ulat ni Castillo sa GMA News "24 Oras.".

Sabi ni Go, tiyak na ipakakain daw ng pangulo sa mga lalaki ang marijuana.

"Hindi n'yo puwedeng hithitan 'yan, kainin n'yo 'yan. Kung gusto n'yong hithitin, dun n'yo hithitin sa impiyerno," sabi ng opisyal.

Paliwanag ng mga lalaki, para sa kanila lang ang katuwaang video na kuha umano noon pang 2016 pero na-hack daw ang account ng isa sa kanila kaya lumabas sa social media.-- FRJ, GMA News

Mga kabataang nag-viral ang pot session, mangiyak-ngiyak na sumuko sa pulis Mga kabataang nag-viral ang pot session, mangiyak-ngiyak na sumuko sa pulis Reviewed by AsianPolicy.Press on 11:15:00 AM Rating: 5

Post AD