Header AD

Viral na! Sibilyan, hinuli ang 2 MMDA constable dahil sa traffic violation

Matapos mag viral ni 5-minute girl, tila ba bumaligtad naman ang mundo at ang MMDA naman ang usap-usapan sa internet ngayon.

Viral na ngayon ang video ng mga umanoy MMDA enforcers na naaktuhang lumabag sa batas trapiko habang binabagtas ng mga ito ang C5 road sa may Quezon City.

Ang nakahuli sa kanila? Isang ordinaryong sibilyan.


Batay sa Facebook post ni Ton de Jesus, isang sibilyan, naaktuhan n'ya ang dalawa na gumagamit ng blinkers habang nasa C5 road sa may tapat ng Miriam College.

Napag-alamang mga traffic constable ng MMDA ang dalawa.

Unang napansin ng motorista ang blinker na naka-kabit sa motorsiklong sinasakyan ng dalawa.

"Boss, bakit naka-blinker ang unahan ng motor n'yo?" tanong ng sibilyan sa mga constable.

"Malabo na ang mata" lamang ang naging sagot ng isang constable.

Sinermonan pa ng sibilyan ang mga taga MMDA at inisa-isa ang iba pang violations ng dalawa.

Sa bagong Facebook post idinetalye ni Ton De Jesus and buong pangyayari.

Salamat po sa lahat ng sumuporta sa post ko about sa dalawang mokong na MMDA Constable, lilinawin ko lang sa inyo na kaya ko pinuna pati yung half face na suot ng back ride ay dahil bawal po mag suot ng Half face helmet kapag ikaw ay nagma maneho sa C5, EDSA at Commonwealth basta sakop ng QC yan ang pagkaka alam ko. At nangyari ang paninita ko nayan sa Tapat ng Miriam College malapit sa UP uptown which is within Quezon City.

Para sa dalawang MMDA constable na nasa video, sa lahat ng kapwa ko rider maging law abiding citizen po tayo aralin natin kahit paano ang Batas trapiko para maka iwas sa disgrasya at aberya. Hwag nyo narin tangkain na sabihin feeling sobrang linis ng pagka tao ko bilang isang motorista dahil malaking OO MALINIS ANG RECORD ko kahit kailan hindi ako napag multa or nahuli ng mga otoridad dahil sa pag labag sa batas trapiko.


Umabot sa lagpas 4 Million views at halos 17,000 shares na ang video.

Panooring ang kabuohan ng video:

Ikinatuwa naman ng maraming netizens ang nangyari.

Bagama't tama ang ginagawa ng MMDA na istriktong ipina-patupad ang mga batas trapiko, marami din sa mga tauhan ng ahensya ang s'yang lumalabag sa mga batas trapiko.

Bagama't hindi man teknikal na hinuli ng sibilyan ang 2 constable, naging daan naman ang video upang imbestigahan ng MMDA ang pangyayari.

Batay sa pahayag ni MMDA Commander Col. Bong Nebrija, nai-forward na nila sa kanilang head ang pangyayari para sa tamang imbestigayon at ng matukoy ang posibleng mga parusa sa dalawa.

Photos and videos courtesy of Ton de Jesus.

Viral na! Sibilyan, hinuli ang 2 MMDA constable dahil sa traffic violation Viral na! Sibilyan, hinuli ang 2 MMDA constable dahil sa traffic violation Reviewed by AsianPolicy.Press on 5:39:00 AM Rating: 5

Post AD