Header AD

Risa Hontiveros hindi tatanggapin ang pag-endorso ni Duterte

Sa halip na manalo, tiyak ni Senadora Risa Hontiveros na matatalo ang kandidato sa pagkasenador na ieendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Syempre, tingin ko d’yan ay kiss of death, hindi lang kiss of EJKs (extrajudicial killings),” sagot ni Hontiveros sa tanong kung makatutulong sa kandidato na itaas ni Duterte ang kamay.

“Of course, that is my biased opinion bilang opposition,” pag-amin naman ng senadora.

Una nang inihayag ng Pangulo na ikakampanya niya ang mga gusto niyang manalo sa eleksyon sa Mayo 2019.

Ilan umano rito ay mga kasapi ng PDP-Laban, Hugpong ng Pagbabago at personal na kaibigan bagaman si dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go lamang ang kaniyang sinamahan sa Commission on Elections (Comelec).

Kumpiyansa si Hontiveros na mas lalamang ang oposisyon sa eleksyon dahil sila umano ang nagsasabi ng totoo ukol sa mga problema ng bayan at may alok din umano silang solusyon gaya ng pagpapasuspende sa buwis sa petrolyo at pagpapataas ng suweldo ng mga manggagawa.

Risa Hontiveros hindi tatanggapin ang pag-endorso ni Duterte Risa Hontiveros hindi tatanggapin ang pag-endorso ni Duterte Reviewed by AsianPolicy.Press on 5:48:00 AM Rating: 5

Post AD