Header AD

Bikoy at utak ng ‘Totoong Narco List’ hinahanap na ng DOJ

Bikoy at utak ng ‘Totoong Narco List’ hinahanap na ng DOJ
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Justice ang paghahanap sa utak ng “Totoong Narco List” videos kung saan sinasangkot ang pamilya ni Pangulong Duterte sa illegal drugs trade.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Gue­varra, inatasan na niya ang fact-finding investigation na alamin at tu­kuyin ang may gawa ng video upang masam­pahan ng kaso.

Aniya, particular niyang inatasan ang DOJ Office of Cybercrime na makipagtulungan sa National Bureau of Investigation cybercrime unit upang matukoy kung sino ang may ka­ga­gawan nito.


Bukod sa pagtukoy sa pagkakakilanlan kay alias “Bikoy” at ilang indibiduwal sa videos, inatasan din ni Guevarra ang kanyang mga tauhan na pag-aralan ang posibleng kaso na isasampa laban sa mga ito.

Ipinaliwanag ni Guevarra na ang criminal charges ay ibabase sa ginawa ng mga nasa likod ng video.

Bikoy at utak ng ‘Totoong Narco List’ hinahanap na ng DOJ Bikoy at utak ng ‘Totoong Narco List’ hinahanap na ng DOJ Reviewed by AsianPolicy.Press on 6:20:00 PM Rating: 5

Post AD