Header AD

Duterte, inggit daw kay Mar Roxas -Leila De Lima

Kung siya umano ang tatanungin, sinabi ni Senadora Leila de Lima na walang binatbat ang mga senatoriable na ineendorso ng administrasyon kung ikukumpara sa mga pambato ng Otso Diretso.
Aniya, mas hindi hamak umanong may magandang nagawa at track record ang opposition senatorial slate na sina Mar Roxas, Paolo “Bam” Aquino IV, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romulo Macalintal, Gary Alejano, Erin Tañada at Samira Gutoc.

Nag-react din si De Lima sa mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Roxas na nagpapakita lang umano na insecure pa rin ang Pangulo sa dati niyang kalaban.

“Duterte’s rants against Secretary Mar only show that the President is still insecure of his former rival. He already won in the 2016 elections yet still chose to unleash his vicious tongue against the erstwhile presidentiable-turned-senatorial candidate this coming May polls. Why the need to lash out? It’s because the President and his chosen candidates could not match Mar’s integrity,” ani De Lima.

Inisa-isa rin nito ang klase ng mga tao na ineendorso ng Pangulo na mayroon umanong dalawang plunderer, sinungaling, enforcer ng madugong war on drugs at talunan sa 2016 elections.

Matatandaang sa campaign rally sa Cauayan City, Isabela, inakusahan ng Pangulo si Roxas ng pagiging disloyal dahil nagsilbi ito sa iba’t ibang Presidente at nagbanta pang kaya niya itong saktan.

Duterte, inggit daw kay Mar Roxas -Leila De Lima Duterte, inggit daw kay Mar Roxas -Leila De Lima Reviewed by AsianPolicy.Press on 4:01:00 AM Rating: 5

Post AD