Header AD

Duterte sa Tsina: Magkaibigan tayo pero ibang usapan ang Pag-asa Island!

Binigyan ng abiso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tsina na magpapadala ito ng mga tropa sa Tsina kapag ginalaw nila ang Pag-asa Island.
Paglilinaw ng Pangulo noong Huwebes sa PDP-Laban campaign rally, nagpapahiwatig lamang siya ng “word of advice”, hindi banta sa Beijing.

Aniya, “I am asking you, I will not plead or beg, but I’m just telling you, lay off the Pag-asa because I have soldiers there. And if you lay a finger on them, it’s another story. I will tell my soldiers, prepare for a suicide mission.”

Ipinahayag pa niya ang pagnanais niyang maging kaibigan ang Tsina ngunit ibang usapan na pagdating sa Pag-asa Island.

“Let us be friends, but do not touch Pag-asa Island, otherwise, things would be different.”

Diin ng Pangulo, “I’m trying to tell China, Pag-asa is ours. We have been there since 1974.”

Matatandaang ayon sa report ng Western Command ng militar, tinatayang 275 ang vessel na hinihinalang bahagi ng maritime militia ng Tsina ang namataan sa Pag-asa simula Enero.

Bagama’t ibinasura ng international arbitral tribunal ang pag-angkin ng Tsina sa South China Sea, kasama ang Pag-asa Island noong 2016, patuloy pa rin ang Beijing sa pagbalewala ng hatol.

Duterte sa Tsina: Magkaibigan tayo pero ibang usapan ang Pag-asa Island! Duterte sa Tsina: Magkaibigan tayo pero ibang usapan ang Pag-asa Island! Reviewed by AsianPolicy.Press on 4:00:00 AM Rating: 5

Post AD