Header AD

Lalaking gumagamit ng shabu para pampa-pogi, huli sa QC

MAYNILA- Timbog ang isang lalaking nahulihan ng "shabu" sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City nitong Lunes ng madaling araw.

Paliwanag ng suspek na si Renato Mendoza, gumagamit siya ng ilegal na droga bilang "pampapogi" at upang mas sipagin mag trabaho.

"Gusto ko lang mapakain ng maayos ang pamilya ko. Pampapogi at pampasipag ko yan. Ginamit ko droga sa mabuting paraan," aniya.

Dating tindero ng isda, nalambat sa buybust operation ng QCPD Station 3 sa Pasong Tamo, Quezon City. Nang tanungin ang suspek kung bakit siya gumagamit ng shabu, sagot ng suspek, "pampa-pogi po" 

Nasa P2,000 halaga ng shabu ang nakuha kay Mendoza na dati na ring nakulong dahil sa ilegal na droga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

-ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Lalaking gumagamit ng shabu para pampa-pogi, huli sa QC Lalaking gumagamit ng shabu para pampa-pogi, huli sa QC Reviewed by AsianPolicy.Press on 4:02:00 AM Rating: 5

Post AD