Header AD

VIRAL: Graduate inalay ang diploma sa puntod ng ama

BACOLOD CITY - Sikat sa social media ang larawan ng isang graduate na naka-toga at inaalay ang nakuhang diploma sa puntod ng yumaong ama.
Nagtapos ng kursong BS Office Administration sa Bacolod City College si Reymark De Asis at kinilala bilang Presidential Medal awardee.

Nasa 15,000 likes at 6,600 shares na ang larawang in-upload niya sa Facebook ukol sa kaniyang pag-aalay ng diploma sa yumaong ama na nakahimlay sa bayan ng E.B. Magalona, Negros Occidental.

Bagama’t mahirap at nanilbihan bilang katulong para maitaguyod ang pag-aaral, katuparan ng kanyang pangako sa ama ang kaniyang pagtatapos para kay De Asis. Kaya pagkatapos ng graduation ceremony umuwi at binisita ang puntod ng ama.

"Nabulag si Papa ko and then ang motivation ko is kun maka graduate ko college, mapadala siya namon sa iba na bansa. Mapabulong siya, galing first year pa lang ko waay na gid. Na discourage ko that time nga ma pursigi pa ko abi kay waay naman pero that time kay siling ko may promise ko kay papa ko that’s why nga tumanon ko gid ang promise," salaysay ni De Asis sa ABS-CBN News.

(Nabulag si Papa dahil sa sakit niya. Gusto ko sana siyang ipagamot at mapadala sa ibang bansa kung magkakapera na ako. Pero first year pa lang ako pumanaw na siya. Kaya nangako ako sa kanya na tatapusin ko ang pag aaral ko. Kaya tinupad ko.)

Ipinagmamalaki rin ng mga guro at kaklase si De Asis.

Sabi ng gurong si Jovelyn Datu-on, ito ang unang pagkakataong nagbigay ng Presidential Award ang paaralan at isa sa mga tumanggap si De Asis dahil sa mga kontribusyon nito sa eskwelahan.

"(Proud ako kay Reymark. Ngayon lang nagbigay ang eskwekahan ng Presidential Award. Isa si Reymark sa mga tumanggap. Pagkilala ito sa mga nagawa niya. Kahit na anong assignment na ibibigay sa kanya he is able to deliver," aniya.

Sabi ni De Asis, hindi dapat maging dahilan ang kahirapan para hindi maabot ang mga pangarap. Naalala niya na ang P200 na allowance na kanyang tinatanggap pilit niyang pinagkakasya para sa gastusin sa isang linggo.

"Dapat ang kahirapan magsisilbing motivation natin na marating ang mga pangarap natin."

Ginawang ehemplo ng Bacolod City College ang istorya ni Reymark para makuhanan ng inspirasyon.

VIRAL: Graduate inalay ang diploma sa puntod ng ama VIRAL: Graduate inalay ang diploma sa puntod ng ama Reviewed by AsianPolicy.Press on 11:36:00 AM Rating: 5

Post AD