Header AD

IBP, bumaligtad kay Bikoy? Presscon hindi daw ipinagpaalam sa grupo

IBP, walang kinalaman sa paglantad ni “Bikoy”
Manila, Philippines – Pinabulaanan ng isang opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang umano’y pagkakasangkot ng grupo kay Peter Joemel Advincula, nagpakilalang si “Bikoy” sa serye ng anti-Duterte videos.

Ayon kay Atty Domingo Cayosa, ang IBP executive vice president, hindi nasabihan ang IBP board na si Advincula ay magsasagawa ng press conference sa kanilang gusali sa Pasig City.

“Hindi namin alam sa board level [yung press conference],” ani Cayosa at sinabing wala siya sa gusali nang magsagawa ng press conference si Advincula nitong Lunes kung saan niya pinanindigan ang lahat ng akusasyon sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

“Hindi ho kami ang may pakana dun sa press conference,” ani Cayosa. “Ang concern ko lang kasi, sa aming building eh.”

Pinabulaanan din ni Cayosa na nasa kanilang kustodiya si Advincula.

Gayunpaman, inamin ng opisyal na si Advincula, dati umanong miyembro ng drug syndicate, ay nag-apply para sa mapasailalim ng free legal aid ng IBP at sinabing, “he has to be vetted out.”

“May mga requirements at qualifications dun sa tao, sa kanyang estado, sa kaso niya at sa ebidensya niya, para maipailalim sa IBP free legal aid,” dagdag pa niya.

IBP, bumaligtad kay Bikoy? Presscon hindi daw ipinagpaalam sa grupo IBP, bumaligtad kay Bikoy? Presscon hindi daw ipinagpaalam sa grupo Reviewed by AsianPolicy.Press on 9:05:00 AM Rating: 5

Post AD