Header AD

Asawa ni Sharon Top 1 sa palaging absent sa senado

NAPANATILI nina Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III at Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang kanilang perfect attendance sa buong 17th Congress.
Sa mga senador, walang naitalang absent sina Sotto at Lacson sa 1st hanggang 3rd regular session ng 17th Congress mula 2016 hanggang noong June 4, 2019.

Nasa dulo naman ng tala ang may pinakakaunting pinasukang session days si Sen. Kiko Pangilinan na present sa 47 sessions kung saan 12 ang nasa official missions at dalawa ang kanyang absent.

Si Senador Manny Pacquiao naman ay may 49 session days present.

Dahil nasa kulungan, zero ang attendance ni Senador Leila de Lima sa 3rd regular session ng 17th Congress na nagtapos noong June 4.

Samantala, bukod kina Sotto at Lacson, perfect attendance rin sa 3rd regular session ng 17th Congress sina Majority Leader Juan Miguel ‘Migz’ Zubiri, Minority Leader Franklin M. Drilon, Senators Gregorio Honasan, Joel Villanueva at Aqui­lino ‘Koko’ Pimentel III.

Nangangahulugan ito na pumasok ang pitong senador sa 61 plenary sessions, mula July 23, 2018 hanggang June 4, 2019.

Sina Pimentel at Zubiri ay kumpleto rin ang attendance sa 2nd regular session mula July 24, 2017 hanggang May 30, 2018.

Batay naman sa tala, sina Sotto, Honasan, Lacson at Zubiri ay may maituturing na clean attendance record dahil wala silang late o walang insidente na dumating sila matapos ang roll call, o pagkakataon na tumawag para sabihing sila ay maysakit o nasa official mission sa buong 3rd regular session.

Bagama’t perfect ang attendance ni Villanueva, may dalawang pagkakataon naman na dumating ito sa session hall nang tapos na ang roll call.

Nakapagtala naman ng isang absent si Senador Nancy Binay subalit ito ay dahil sa kanyang official mission sa ibayong dagat.

Tig-tatlong absent naman ang naitala nina Senators Win Gatchalian,   Ejercito at Cynthia Villar habang sina Senators Risa Hontiveros at Antonio Trillanes IV ay may tig-apat o pumasok ng 57 session days.

Present naman sa 56 session days sina Senators Sonny Angara, Grace Poe at Loren Legarda habang 55 session days ang ipinasok nina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto at Sen. Francis ‘Chiz’ Escudero.

Naitala ni Senador Richard Gordon ang kanyang attendance sa 54 sessions habang 50 session days ang pinasukan ni Sen. Bam Aquino. (Dang Samson-Garcia)

Asawa ni Sharon Top 1 sa palaging absent sa senado Asawa ni Sharon Top 1 sa palaging absent sa senado Reviewed by AsianPolicy.Press on 5:03:00 AM Rating: 5

Post AD