Header AD

KAPA Ministry dapat daw magpatuloy ayon kay Trillanes

Senator Antonio Trillanes IV on Friday said the government should allow Kapa Community Ministry International Inc. (Kapa) to “operate temporarily” so it could return the money it collected from its members.
“Para sa gobyerno, habang iniimbestigahan nila kung ano man ang violation, payagan ang Kapa na magoperate temporarily, at least 30 days, para mabigyan ito ng pagkakataong isaoli ang mga naiiwang pera na hawak nila para sa kanilang myembro,” Trillanes said in a statement.

“Gayundin, sa lalong madaling panahon, gumawa ang gobyerno ng inventory ng mga nakuha nilang pera or property mula sa Kapa at gumawa ng distribution plan para sa pag distribute nito sa mga myembro ng Kapa,” the senator added.

President Rodrigo Duterte earlier ordered the immediate shutdown of the Surigao del Sur-based religious corporation for allegedly soliciting investments from its members.

Thousands of Kapa members gathered in a prayer rally on Thursday, urging President Rodrigo Duterte to reconsider his closure order on the religious corporation.

Kapa founder Joel Apolinario also said that Duterte wanted to meet him in Davao City to discuss the closure.

“We have done no violation. Everything we’re doing complies with the Constitution,” Apolinario insisted. “If God is with us, who can be against us?”

'Ponzi scheme'
Naninindigan ang gobyerno na "ponzi style" at kwestyonable ang operasyon ng Kapa.

Ang ponzi scheme ay isang maanomalyang investment scam na nangangako ng mataas na rate of return at maliit na risk para sa mga investor. Ang iskema ay inihahalintulad ng marami sa "pyramiding."

"Can you imagine, they are giving 30 percent (interest on investments) when the highest given by our banks is only nine percent," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing.

(Isipin niyo, nagbibigay sila ng 30% [interest on investments] habang ang pinakamataas lang na kayang ibigay ng mga bangko ay 9%.)

Huwebes nang sabihin ni Digong na ipaaaresto niya ang lahat ng may kinalaman sa anomalya ng organisasyon.

"All of you who are in KAPA, in case your names will appear in the papers, watch out because you will be arrested without bail," sabi ni Duterte sa isang talumpati sa Lagao Gym sa General Santos City.

(Lahat kayo ng nasa KAPA, kung mailalagay sa mga papel ang pangalan niyo, mag-ingat kayo dahil huhulihin kayo nang walang piyansa.)

Pero hindi naman daw ito pwedeng ihalintulad sa scam sabi ni Trillanes, na kilalang kritiko ni Duterte.

Wala naman daw kasing dapat na kaso kahit na walang maibalik na pera sa kanilang mga miyembro.

"Kahit pa na mukha ngang Ponzi Scheme ang pamamalakad ng Kapa, basta maliwanag sa mga myembro nito na kung sakaling hindi bumalik ang kanilang pera, hindi sila pwedeng magreklamo dahil nga, simula't sapul, ito ay kanilang 'donation' sa kanilang simbahan," dagdag ni Trillanes.

Hinimok naman ng senador na pansamantalang payagan ang operasyon nila kahit 30 araw para "mabigyang ito ng pagkakataong isaolo ang mga naiiwang pera na hawak nila para sa kanilang myembro."

Maaari rin daw maghain ng "class suit" laban sa gobyerno at sa pangulo oras na matapos ang kanyang termino para mabawi ang mga "na-donate" na pera.

KAPA Ministry dapat daw magpatuloy ayon kay Trillanes KAPA Ministry dapat daw magpatuloy ayon kay Trillanes Reviewed by AsianPolicy.Press on 5:53:00 AM Rating: 5

Post AD