Header AD

VIRAL: 5-anyos lalaki na takot magpatuli, umakyat sa bubong ng bahay

Isang batang lalaki sa Indonesia ang umakyat sa bubong dahil takot siyang tuliin ng doktor.
Sa tradisyon ng mga Muslim, ang pagtutuli sa edad na limang taon ay tanda ng kalinisan.

Umabot sa dalawang oras ang paghihintay ng mga magulang ng bata bago ito makababa.

Ang buong pangyayari ay nasaksihan ni Anik Sutari, isang doktor, kung saan ibinahagi niya ito sa Facebook at nag-viral.

Ani Sutari, sa loob ng 20 na taon niya sa propesyon ay ngayon lamang siya nakakita ng batang nagtago sa bubong maiwasan lamang ang pagtuli.

Dagdag pa ni Sutari, nang dumating ang guro nito ay huminahon ang bata at saka palang nakababa sa bubong.

Inabot lamang ng sampung minuto ang pagtuli sa bata na ikinatuwa ng doktor.

Umabot ng 3,300 reactions at 1,300 shares ang post.

VIRAL: 5-anyos lalaki na takot magpatuli, umakyat sa bubong ng bahay VIRAL: 5-anyos lalaki na takot magpatuli, umakyat sa bubong ng bahay Reviewed by AsianPolicy.Press on 8:49:00 AM Rating: 5

Post AD