Header AD

Sharon nagmakaawa kay Duterte sa ABS-CBN franchise renewal

Sharon nagmakaawa kay Duterte sa ABS-CBN franchise renewal
By Jun Lopez
Sa contract signing ni Megastar Sharon Cuneta nitong Jan. 9 ay nagpahayag siya ng saloobin sa namemeligrong franchise renewal ng ABS-CBN.

“I pray that our dear President reconsiders his decision about ABS-CBN. Not just because I just renewed, I can always find a job.

“But everybody I grew up with here who have remained loyal to the station—and have grown up here, have learned from the school of hard rocks here, have become family, good friends—will lose almost everything they’ve built over the years.”

Madalas na bukambibig ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibenta na lang ng mga Lopez ang ABS-CBN dahil malabo na umanong ma-renew ang prangkisa ng kompanya.

At kahit pa nagkaroon ng kaunting sigalot si Sharon kay Digong noong sabihin ng Pangulo na hiwalay na sila ng asawa nitong si Sen. Kiko Pangilinan, na pinabulaanan naman ng una, ay umaasa pa rin si Shawie na lumambot ang puso nito para na rin sa kapakanan ng maraming mawawalan ng trabaho.

“So, I hope in my heart that our dear President reconsiders the thousands and thousands of Pinoys who have grown up here, learned the ropes here, that includes me.”

Sharon nagmakaawa kay Duterte sa ABS-CBN franchise renewal Sharon nagmakaawa kay Duterte sa ABS-CBN franchise renewal Reviewed by AsianPolicy.Press on 2:18:00 AM Rating: 5

Post AD