Header AD

Here's How This Serial Filipino Scammer Evaded NBI, CIDG, PNP For 19 Months By Only Using Basic Tricks

Here's one story that garnered mixed reactions from netizens.

some find it amusing, some don't. For what its worth, here's how this notorious con artist managed to successfully evade the Philippine authorities for at least 19 months.

"PAANO LUSUTAN ANG NBI MANHUNT OPS"

April 12, 2018 after lunch eh sumuko ako sa PNP Malabon Headquarters kasama ang TV Patrol, Philippine Star at Manila Bulletin. So syempre ang mga kapulisan eh bait-baitan at may kasamang media ang koya mo Xian. Asikasong bonggang bonggang bongbong! So ayun pinroseso na nila ako papers, fingerprints, mugshot and all then saka ako ipinasok sa detention cell.

After an hour may dumating na lalaki. Nagpakita siya ng ID sa pulis na nakabantay sa selda namin para papasukin siya at kausapin ako. Siya pala yung isa out of two NBI agents na nakaassign sa kaso ko since September 2017 nung lumabas yung dalawang bench warrants ko mula sa dalawang kaso. Pinapunta daw siya ng superior niya after makita sa Facebook news articles na sumuko na ako.

Eto na nagsimula na ang usapan. May dala siyang bond paper na may sulat kamay, listahan ng lahat ng known addresses ko at mobile numbers ko. Sabi niya eh matagal na silang may manhunt operation sa akin dahil yung isang kalaban ko eh malakas daw sa NBI.

(actually guys hindi lang siya sa NBI malakas, pati na rin sa korte. kaya nga sa lahat ng kaso ko eh sa kanya lang ako nahatulan ng guilty. bigatin at maraming koneksyon eh)

So going back, inisa-isa na ni agent ngayon yung mga katanungan niya sa 'kin. Unang tanong niya eh kung saan ba talaga ako nakatira sa BGC dahil based daw sa investigation nila eh may tatlong address ako sa area. South of Market BGC, Two Serendra BGC at Bellagio Forbestown BGC. Tapos may tatlong mobile numbers din daw silang tinutukan, ano ba daw talaga ang number ko? Sagot ko lang ay "Hehe." sabay big smile labas ang gums tapos ayun... nagkwento na ako.

So ang tanong niyo ngayon guys for sure is paano nangyari yun? 3 addresses and 3 mobile numbers. Ready ka na? Game?

Ganito, nagopen ako ng savings at checking accounts sa BDO SM Aura. Ang sinulat ko na permament address is sa Malabon then yung present address ay sa Two Serendra. Yung number na nilagay ko naman is number ng tropa ko na nakatira sa One Serendra.

Next, gumawa ako ng account sa Western Union SM Hypermarket branch sa SM Aura. Ang address na sinulat ko is sa Bellagio then yung number na nilagay ko eh yung number ng tropa ko na nakatira around Forbestown.

Lastly, kumuha ako ng SM Advantage card sa SM Aura. Ang address na sinulat ko is South of Market tapos yung number na nilagay ko is yung sa bebe gurl ko na ibinahay ko doon sa South of Market.

Bakit ko yun ginawa? Kasi alam kong itetrace ako ng NBI at kukuha sila ng leads sa akin through bank records and other account openings. Eh bakit yung mobile number na nilagay ko is dapat tugma at nakatira lang din around the area? Para kapag tinrace ng NBI yung mobile numbers via triangular position of the 3 nearest telecom cell sites, malolocate nila na positive yung number at tugma doon sa mga address. It will now be considered by NBI as confirmed leads sa exact location ko kahit wala naman talaga ako sa mga address na yun. Mukha lang silang qaqo.

After ko yan ikwento lahat kay Kuya NBI Agent eh hindi maipinta ang mukha niya na para bang gusto niya kong barilin that very moment lol. So tanong niya ngayon is saan daw ba talaga ako tumira at nagtago? Tutal eh nakakulong na rin naman ako so sinagot ko naman guys para hindi siya mabaliw kakaisip at nang makatulog siya ng mahimbing lol.

Gusto niyo rin ba malaman guys? Hehe. The truth is nakatira at nagtago ako sa Tuscany Mckinley Hills tower 2 second floor under the name of "Paolo Himura" with fake government IDs. I used an incognito burn phone na untraceable, the very same phone na ginagamit ng mga druq cartels. 19 months akong tumira doon hanggang sa napagtripan kong sumuko. Bucket list ko kasi na makulong sa national news tapos naka-smile like my idol Pablo Escobar.

Shinare ko ito hindi para gayahin ng mga kapwa ko kriminal. Shinare ko ito para mabasa ng NBI, PNP at ng iba pang ahensya para sila'y matuto at hindi na maisahang muli ng isang Xian S. Gaza.

This will be a part of the first season ng "Hulihin Niyo Ko Kung Kaya Niyo" vlog series, exclusive at "The Nyeam" Youtube channel. Coming soon!

Here's How This Serial Filipino Scammer Evaded NBI, CIDG, PNP For 19 Months By Only Using Basic Tricks Here's How This Serial Filipino Scammer Evaded NBI, CIDG, PNP For 19 Months By Only Using Basic Tricks Reviewed by AsianPolicy.Press on 11:18:00 PM Rating: 5

Post AD