Header AD

Lalaking palaboy, nakabili ng sariling motorsiklo galing lamang sa panglilimos sa kalye

Trending ngayon ang istorya ng isang lalaki mula sa Surigao City dahil sa kakaibang istorya ng buhay nito.

Kilala sa kanilang lungsod ang lalaki bilang isang palaboy at namamalimos lang.
Noong isang araw, nagulantang ang mga residente ng lungsod dahil nakita ng mga ito na pina-paandar ng lalaki ang isang motorsiklo. Sa pagaakala ng mga ito, ninanakaw ng lalaki ang motor dahil nga isa itong kilalang nanlilimos sa kanilang lugar.

Hindi makapaniwala ang mga residente sa kanilang mga natuklasan.

Agad na pinigilan ng mga residente ang lalaki na umalis dala-dala ang isang motorsiklo. Nang usisain, sinabi lang ng lalaki na siya daw ang may-ari ng motorsiklo.

Dahil nga kilalang namamalimos lang nag lalaki sa lugar, hindi agad naniwala ang mga residente dito kaya tumawag na sila ng mga pulis.

Nang usisain, nalaman ngang totoo ang sinasabi ng lalaki. Napatunayan naman nitong s'ya nga ang may-ari ng motorsiklo dahil sa mga ID at papeles na pinakita nito.

Agad naging instant hit ang istorya ng lalaki sa social media na karamihan ay humanga sa determinsayon ng lalaki.

May ibang netizen naman ang hindi bumilib sa lalaki at sinabing ito ay nanloloko lamang at ginagawang hanap-buhay na ang panglilimos.

Sabi nga ng ibang netizens, mabuti pa raw 'yung nanlilimos may motor, eh sila na nagbibigay, kahit bisekleta ay wala.

Sa iyong palagay, tama ba ang naging pamamaraan ng lalaki?

Lalaking palaboy, nakabili ng sariling motorsiklo galing lamang sa panglilimos sa kalye Lalaking palaboy, nakabili ng sariling motorsiklo galing lamang sa panglilimos sa kalye Reviewed by AsianPolicy.Press on 8:31:00 PM Rating: 5

Post AD