Header AD

LOOK: Cheke ng refund ng ABS-CBN kay Duterte, inilabas ni Sen. Bong Go

Sa kasalukuyang ginaganap na hearing sa senado, inilabas ni Senator Bong Go ang cheke ng refund ng ABS-CBN kay Pangulong Duterte para sa mga ads na hindi inere ng TV network noong nakaraang 2016 Presidential elections.
Ayun kay Sen. Go, nagbayad na si President Duterte para sa kanyang ads na tinanggap din umano ng Abs-Cbn.

Ang cheke sa taas ay ang cheke na ibinayad ng tv network bilang refund sa mga ads na hindi nito inere.

Kinwestyon din ni Sen. Go ang pagpapalabas ng network ng commercial ads na kinomisyon ni Trillanes na gumamit ng mga inosenteng bata para tirahin si Duterte.

Sinabi din ni Senator Go na parang mas mahalaga pa para sa Abs-Cbn ang ads ni Trillanes kaysa sa mga lehitimong transaksyon.

Inamin naman ni ABS-CBN CEO Carlo Katigbak ang paratang na hindi nila inere ang commercial ads ni Duterte. Dahil dito, umamin si Katigbak sa kanilang naging pagkukulang at humingi din ito ng tawad kay Pangulong Duterte.

Dahil nga dito, isinauli ng TV network ang bayad ni Duterte ngunit hindi na ito tinanggap ng kampo ni Duterte.

Nagpapatuloy pa ngayon ang hearing sa senado.

LOOK: Cheke ng refund ng ABS-CBN kay Duterte, inilabas ni Sen. Bong Go LOOK: Cheke ng refund ng ABS-CBN kay Duterte, inilabas ni Sen. Bong Go Reviewed by AsianPolicy.Press on 11:55:00 PM Rating: 5

Post AD