Header AD

Piolo Pascual reveals he was prohibited from openly endorsing Duterte during 2016 pres'l elections

Mula pa raw noon ay iniidolo na ni Piolo Pascual ang bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte. Dagdag pa ng Kapamilya star, lagi na siyang nagko-courtesy visit kay Duterte kapag nagagawi siya sa Davao City.
Maraming mga artista noong eleksiyon ang hindi pinayagang hayagang mag-endorso ng kanilang napupusuang kandidato, lalo na sa pagka-presidente.

Katulad na lamang ng Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

Sabi niya noon, “Opo, mayroon [akong ieendorso].

“It’s crucial, e, this election is crucial para sa bayan natin.

“And I wanna be able to use my influence para at least magamit naman natin ang tamang paraan ng pagkakampanya sa gusto natin.

“It will define the next six years of the Philippines, economy-wise, and it's important for us to know who are we gonna vote for.”

Sa event ng Silkamazing @ 15 noong Sabado, inamin ni Piolo na si Rodrigo Duterte ang kanyang sinuportahan.

“Every time I would go to Davao, pinipilit kong maka-meet siya and hindi lang ako pinayagang mag-endorse [openly], pero I’ve always been for Digong.”

Hindi na nadagdagan pa ang pahayag ni Piolo dahil tinawag na siya upang mag-perform sa event.

Piolo Pascual reveals he was prohibited from openly endorsing Duterte during 2016 pres'l elections Piolo Pascual reveals he was prohibited from openly endorsing Duterte during 2016 pres'l elections Reviewed by AsianPolicy.Press on 12:14:00 PM Rating: 5

Post AD