Header AD

Babae na napagkamalang nawawala, nag-unwind lang pala

Babae na napagkamalang nawawala, nag-unwind lang pala

-Naaliw ang netizens sa ibinahaging kuwento ng isang babae na nag-akalang nawawala ang kaniyang kapatid
-Sabi niya, dalawang araw silang hindi nakatulog sa paghahanap sa kapatid
-Nalaman na lamang nila na nagbakasyon pala ito sa lugar na walang signal

Hindi mapakali ang pamilya ni Richelle Espiritu matapos nilang akalain na nawawala ito, kaya naman ganoon na lamang ang inis ng kaniyang kapatid nang malaman na nagbakasyon lang pala ito sa isang lugar na walang signal.

Ang pagkayamot, idinaan na lamang niya sa pagkukuwento sa Facebook.

Sabi ni Erlyn Coronel sa kaniyang Facebook post, dalawang araw raw silang hindi makatulog sa pag-aalala sa kapatid. “Dalawang araw kaming halos hindi nakatulog kaiisip. Pabalik-balik kami sa p0lice para maireport,” sabi niya. “Tapos malalaman mong napapakasarap lang pala sa Anawangin. Katwiran niya, wala siyang signal kaya ‘di makapag-update.”

Kalakip din ng post niya ang mga print out na nagbibigay ng mga detalye tungkol sa inaakala nilang nawawalang kapatid. Ayon dito, huling nakita si Richelle noong Pebrero 22, 1 a.m. Nakasuot daw ito ng itim na sando at puting shorts. May contact number din nakalagay rito.

Biro tuloy ni Erlyn, palitan daw ni Richelle ang perang nagastos niya sa paghahanap sa kaniya. “Palitan mo yung pinang gas ko at pinang pa-print ko,” sabi niya.
Ang mga netizens, naaliw rin sa kuwento ni Erlyn. Sabi ni Maricris R., ganito raw talaga ang buhay ng mga ate. Biro naman ni Divine C., “Paluin mo para magtanda.”

Ang iba naman, napansin ang mga larawan na ginamit para sa mga poster na ipapaskil sana. “Piniling maigi yung magandang picture,” sabi ng isa. “Yung tipong nawala ka na pero dapat maganda pa rin,” dagdag naman ng isa pang netizen.

Paliwanag naman ni Melvin M., talaga raw walang signal sa Anawangin na matatagpuan sa Zambales.

“Wala naman kasi talagang signal doon, kahit umakyat ka pa sa bundok,” komento niya. Samantala, si Marj G. naman, nagbabala sa kaniyang mga kapatid. “Subukan ninyong umalis nang walang paalam, pagpiprint ko kayo ng ganiyan.”

Babae na napagkamalang nawawala, nag-unwind lang pala Babae na napagkamalang nawawala, nag-unwind lang pala Reviewed by AsianPolicy.Press on 3:22:00 AM Rating: 5

Post AD