Header AD

Filipina Bride Receives 1 Million 'Cash Gift' From Her Groom On Their Wedding Day

Sino ba naman ang hindi mapapa-"sana all" matapos magviral ang larawan ng isang bride na may hawak na P1 million in cash!

Regalo lang naman ito sa kanya ng kanyang groom ayon sa Team Benitez Photo na siyang kumuha sa mga larawan sa kasal ng mga ito.
Mabilis na nagviral ang larawang ito at umabot sa mahigit 7K ang shares kahit kaka-upload lamang nito sa Facebook.

Sa isang post ng GMA News kung saan naitampok din ito, sinabi ng photographer na pagkarating nila sa hotel ay nilapitan ng wedding coordinator ang bride.

Anito, mayroon daw regalo ang kanyang groom para rito. Laking-gulat na lamang ng mga naroon nang malamang cash ang regalo ng groom at tumataginting na P1 million.

Pero siyempre pa, ang pinakamagandang regalo ay ang kanilang kasal. Ang mga netizens naman, naaliw at nalula rin sa kakaibang gimik na ito ng groom.

Marami rin ang napa-tag sa kanilang mga boyfriend at mister dahil dito.

"Sana all mkasuot ng wedding dress hahaha. Tas may wedding gift.."

"Let our response be "SANA ALL""

"Sana all talaga maregaluhan ng 1,000,000 kahit hindi na ikasal basta may 1,000,000 HAHAHA."

"Pwede bang maki sana all kaming mga lalake?" "Sabay sabay.... sana all>"

"No need na ng prosperity dance sa reception."

"Sana lahat grabe ngitinh 1M si ateh saya saya naman."

Ikaw, kelan ka ikakasal? SANA ALL.

Photo courtesy of Team Benitez Photo.

Filipina Bride Receives 1 Million 'Cash Gift' From Her Groom On Their Wedding Day Filipina Bride Receives 1 Million 'Cash Gift' From Her Groom On Their Wedding Day Reviewed by AsianPolicy.Press on 5:03:00 AM Rating: 5

Post AD