Header AD

Kabaong ng namatay sa Quezon, sa garbage truck lang isinakay sa libing dahil pinandidirihan?

Viral ngayon ang isang post ng netizen sa Twitter dahil sa hindi makataong pagtrato sa isang taong namatay sa lugar.
Ayon kay Weird Wanderer (@ronigurli), naiyak daw s'ya sa galit dahil sa ginawa ng mga opisyal ng kanilang munisipyo sa kanila. Hindi rin naisilid sa isang pormal na kabaong ang bangkay at sa isang makeshift kabaong lang dahil ayaw tanggapin ng lahat ng punerarya sa kanilang lugar ang bangkay.

Ayon sa netizen, namatay daw ang tao dahil sa mga komplikasyon sa Human Immunodeficiency Virus (HIV).

"I was crying from anger kanina dahil sa ginawa ng mga taga munisipyo sa amin. A person died from HIV related complications and this is what they did to him: his body was put inside a makeshift coffin and transported via a garbage truck."
Sabi n'ya, gusto lang ng pamilya na mag renta ng karo ng patay, ngunit gusto ng lahat ng punerary ay bayaran ng buo ang sa embalsamo, kabaong at serbisyo kahit hindi naman nila kailangan ito.

"The family wanted to rent a funeral car but all the funeral parlors wanted them to pay for the full service (embalming, coffin, the works) that they denied the deceased. All this just to rent a car."
Ang insidente ay nangyari sa Agdangan, Quezon Province.

Umani naman ng samut-saring reaksyon mula sa mga netizens ang insidente.

Narito ang ilan sa mga commento ng mga netizens sa Twitter.

May mga netizens naman na nagkusang loob at inireport ang naging insidente sa kanilang Congressman.

Kabaong ng namatay sa Quezon, sa garbage truck lang isinakay sa libing dahil pinandidirihan? Kabaong ng namatay sa Quezon, sa garbage truck lang isinakay sa libing dahil pinandidirihan? Reviewed by AsianPolicy.Press on 12:29:00 AM Rating: 5

Post AD