Header AD

LOOK: Driver sa Cagayan, viral dahil sa virus-ready niyang taxi unit

Galing ng Pinoy!

Nagkusa na ang isang driver mula sa Cagayan de Oro City na proteksyunan ang sarili laban sa banta ng COVID-19.

Patok ngayon sa mga netizens ang mga larawan na in-upload ni Bry Salem sa Facebook na nagpapakita sa kakaibang loob ng isang taxi sa CDeO.


Makikitang binalot ng plastic ang driver's side ng taxi isang paraan para ma-isolate ang driver sa mga pasahero nito at para maiwasan ang posibleng pagkakahawa kung meron mang magiging pasahero ang taxi na infected ng COVID-19.

Maraming netizens naman ang natuwa sa naging initiative ng driver.

Kahapon lamang, kinumpirma ng DOH ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa Mindanao na nasa Cagayan De Oro City.

Base sa pinakahuling balita mula sa DOh, pumalo na sa 12 ang mga namatay dahil sa COVID-19 at umabot na sa 140 ang confirmed cases sa Pilipinas.

LOOK: Driver sa Cagayan, viral dahil sa virus-ready niyang taxi unit LOOK: Driver sa Cagayan, viral dahil sa virus-ready niyang taxi unit Reviewed by AsianPolicy.Press on 11:59:00 AM Rating: 5

Post AD