Header AD

Mga Pinoy, dapat ihinto na daw ang 'Bring Home' mentality tuwing may handaan


  • Trending ang isang karatulang mababasa sa isang handaan
  • Ayon kasi rito, bawal daw muna ang magbalot dahil kaunti ang handa
  • Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang komento tungkol sa post
Bahagi na ng kultura ng mga Pilipino ang mag-imbita ng mga kakilala, kaanak, at kaibigan sa mga handaan. Anumang okasyon, gusto natin na maraming dumayo sa ating pinaghandaang salusalo. At kaakibat nito ay ang take home o pag-uuwi ng iba ng mga sobrang handa.

Ang pabalot o take home food mula sa handaan ay kusa namang ibinibigay ng taong nag-imbita. Sadyang sinosobrahan ng ilang may handaan ang kanilang mga pagkain upang hindi lamang ang mga dumalo ang makapag-enjoy kung hindi pati na rin ang pamilya ng kaibigan sa kani-kanilang tahanan.

Ngunit may mga pagkakataon na iniraraos na lang din ang handa sa isang okasyon. Dahil hindi ganoon kalaki ang budget, kakaunti lang din ang naihahanda. At kapag kaunti ang handa, malamang sa malamang ay walang take out ang mga dumadalo.

Agad na nag-trending sa social media ang larawang ito ng babala na bawal muna ang mag-uwi ng pagkain. Umani na ito ng 1,500 reaction na karamihan ay ‘haha,’ 942 comments, at ng 7,600 shares. Nagapaabot naman ng opinyon ang mga netizen tungkol sa karatula.

Humahanga ang ilan sa pagiging matapat ng nag-organisa ng handaan.

Ayon sa kanila, mainam na raw na ipabatid sa mga dadalo na limitado lang ang kanilang handa. Mabisa na raw itong paraan upang masiguro na ang iba pang mga dadalo ay may makakain pa. Minsan daw, hindi naman masamang ipagpaliban muna ang kultura ng take out lalo na sa panahon ngayong mahal ang mga bilihin.

Mga Pinoy, dapat ihinto na daw ang 'Bring Home' mentality tuwing may handaan Mga Pinoy, dapat ihinto na daw ang 'Bring Home' mentality tuwing may handaan Reviewed by AsianPolicy.Press on 10:20:00 PM Rating: 5

Post AD