Header AD

PNP arrests 2 individuals caught selling overpriced thermal scanners

Dalawa huli sa overpriced thermal scanners
By Jan Escosio
Hiwalay na naghihimas ng rehas ngayon ang magkaibigan matapos arestuhin dahil sa pagbebenta sa sobra-sobrang mataas na presyo ng thermal scanners sa Pasig City.

Kinilala ang dalawang naaresto na sina Sofia Loren, 27-anyos, at Melvin Loto, 37-anyos, kapwa residente ng Tawiran Street Barangay Santolan sa Pasig City.

Inaresto ang dalawa sa pamamagitan ng entrapment operation sa loob ng isang kilalang fast food store sa Barangay San Nicolas 5:10 ng hapon ng Lunes, March 16.


Nakuha sa kanila ang 10 units ng thermal scanner at ang P50,000 boodle money na ginamit sa operasyon.

PNP arrests 2 individuals caught selling overpriced thermal scanners PNP arrests 2 individuals caught selling overpriced thermal scanners Reviewed by AsianPolicy.Press on 9:25:00 PM Rating: 5

Post AD