Header AD

Presidential son Baste Duterte nagka lagnat, sipon, ubo at sore throat matapos bumisita ng Manila

Naka-isolate na si Presidential son Sebastian "Baste" Duterte matapos itong makaranas ng lagnat, sipon, ubo at sore throat.

Ito ang ibinunyag ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ngayong hapon lang.
Ang lagnat, ubo, sipon at sore throat ay mga sintomas ng mga taong may COVID-19.

Nasa Maynila si Baste Duterte nitong mga nakaraang linggo para sa official functions.

Tatagal ng 14 days ang home-quaratine ng batang Duterte.

Ibinunyag din ni Mayor Sara Duterte na maging siya ay naka home-quarantine matapos siyang ma-expose sa isang taong may exposure din sa COVID-19.

Matatandaang nasa Kongreso ang ilang miyembro ng First Family noong nakaraang linggo para dumalo sa kompirmasyon bilang miyembro ng Armed Forces.

Habang nag negative si Senator Sherwin Gatchalian, nag-positibo naman sa COVID-19 si Senator Migz Zubiri.

Hindi bababa sa 20 na mayor mula Bukidnon ang naka-isolate din ngayon matapos nagpositibo sa COVID-19 si Sen. Migz Zubiri.

Nakasama ng mga Mayor si Zubiri noong nakaraan matapos dumalo sa isang meeting sa Manila.

Presidential son Baste Duterte nagka lagnat, sipon, ubo at sore throat matapos bumisita ng Manila Presidential son Baste Duterte nagka lagnat, sipon, ubo at sore throat matapos bumisita ng Manila Reviewed by AsianPolicy.Press on 6:00:00 AM Rating: 5

Post AD