Header AD

Coco Martin todo deny parin kay Julia Montes kahit naanakan na niya ito

Nung nakaraang March 19 ay ika-25th birthday ng Kapamilya star na si Julia Montes. Tila imposibleng hindi siya binati ng kanyang long-time rumored boyfriend na si Coco Martin.
Pinaniniwalaang nu’ng 2012 pa nagsimula ang love affair nina Coco at Julia . Nag-start umano sa set ng kanilang defunct primetime hit TV series na “Walang Hanggan”.

Sa kabila na hindi sila magkasama sa isang proyekto ay naging persistent pa rin ang pagkaka-link nila sa isa’t iba .Bagay na hindi naman kinu-confirm o dini-deny ng dalawa.

Last year ay napabalitang nagsilang umano ng baby si Julia sa Cardinal Santos Medical Center sa Greenhills, San Juan pero wala ring kumpirmasyon na nakuha sa magkabilang kampo. Pawang galing sa source ang isyu.

Up to this day ay tikom pa rin ang bibig pareho nina Coco at Julia hinggil sa sa estado ng kanilang totoong relasyon.

Maging ang kanilang rumored baby ay di pa rin lumalabas.

Hanggang ngayon ay nananatili pa rin sikreto .Panahon lamang ang makakapagsabi kung kailan ito tuluyang mabubunyag o aaminin ng dalawa.

Kapag naibalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat, muling mapapanood sina Coco at Julia sa kanilang magkahiwalay na serye.

Si Coco sa longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” habang si Julia naman sa kanayang weekend TV series na “24/7”.

Pinaghahandaan na rin ni Julia ang kanyang regular TV series na pinamagatang “Burado” na kabituin sina Nadine Lustre, Zanjoe Marunod, Paulo Avelino at ang Thai actor na si Denkhun Ngamnet.

Coco Martin todo deny parin kay Julia Montes kahit naanakan na niya ito Coco Martin todo deny parin kay Julia Montes kahit naanakan na niya ito Reviewed by AsianPolicy.Press on 5:15:00 AM Rating: 5

Post AD