Header AD

Dating Abs-Cbn reporter, idinetalye kung paano siya pinag-initan at inabuso sa Kapamilya Network

Read this and this will break your heart.

Izza Reniva-Cruz, was a reporter at Abs-Cbn who was assigned at Malacanang during the administration of Gloria Macapagal-Arroyo. One day, she found herself jobless due to politics inside the now beleaguered TV network.

This was originally posted on her Facebook page.

May6, 2020
My heart bleeds for my true & beloved friends in abs cbn who are now jobless( temporarily, i hope).


14yrs din akong tapat na naglingkod sa abs cbn. Dun na ako nagka-kumare..bffs..parang magkakapatid!

Mahirap talagang mawalan ng trabaho sa isang iglap! Yung natulog ka lang nung gabi tapos pagising mo kinabukasan e wala ka na palang trabaho!


I remember back in 2005....dzmm reporter ako na naka-assign sa MalacanaƱang; si Gloria Arroyo pa ang Pangulo ng bansa noon.


Kadarating ko pa lang ng Palasyo dakong 9am nang biglang rumadyo sa motorola (hand-held radio and gamit ng reporter noon) ang noo’y desk editor na si Gerry Baja at ang sabi’y bumalik daw ako sa home base (abs-cbn) at dumerecho daw ako sa 2nd flr. at naghihintay na sa akin doon si Angelo Palmones (dzmm station manager ).


Nanginig bigla ang tuhod ko..ang lakas ng kaba ko! Dahil umiikot ang balita noon sa abs cbn tungkol sa pagbabawas ng mga empleyado. Yun nga lang, kampante ako na hindi ako apektado dahil regular akong empleyado. Pumasok ako sa abs cbn ng 1991. At karaniwan e ‘last in first out’ ang kalakaran at depende sa hawak mong posisyon.


Sumunod ako sa utos at bumalik ng himpilan..derecho 2nd flr. at doon nakita kong nakaupo’t naghihintay sa akin si Angelo Palmones at isang taga HR (human resources).


Tinanong ko bakit ano ang pagmi-mitingan...biglang ipinakita sa akin ang isang papel na nakasaad na “YOUR POSITION HAS BEEN DEEMED REDUNDANT”.


Ha? tanong ko “panong naging redundant e eksakto lang ang bilang ng reporter sa mga assigned agencies AT napakahalaga ng aming posisyon sa organisasyon!


Sagot ni Palmones “hindi ko alam ate.”
Sagot din ng taga-HR “hindi ko rin alam e”.


Sabi ko kung pwedeng hindi ko muna pirmahan ang dokumento dahil sasangguni muna ako sa abogado.


Ang sagot ni Palmones:” KAHIT HINDI MO PIRMAHAN YAN... at KAHIT PUMASOK KA PA....WALA KA NA SA SCHEDULE!


Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa...at pilit pa nyang kinukuha ang issued celfone ko. Naglalakad ako papunta ng basement parking ng walang ulo.


TALAGANG MASAKIT MAWALAN NG TRABAHO SA ISANG IGLAP...lalo na kung alam mong pinag -initan ka lang.


šŸ’„Sa part 2, ikukwento ko kung bakit ko nasabing pinag initan ako.


In another post, she detailed how her abuse transpired.

May6, 2020...The reason why i became active in the workers’ Union...

1991, wala pa akong pakialam sa mga karapatan ng manggagawa. Basta’t ang gusto mo lang ay magkaron ng marangal na trabaho at sumahod ng wasto PERIOD.

Maganda ang simula ko sa DZMM...ako ang news producer sa oras na 11am-7pm. Ako rin ang naghahatid ng hourly newsbreaks.

Boss namin sa newsroom si Ted Failon. Ganda ng aming samahan. Magkakaibigan kami .

Pero merong isang news producer na gusto palang umagaw ng aking slot. Lalaki ito, si Bodjie. Ang oras niya ay 9pm-5am.

Isang araw, nagulat na lang ako nang ilagay ako ni Ted sa panggabi. Pero halos kapapanganak ko pa lang. Kailangan ako ng aking sanggol sa gabi.

Ang akala ko, ordinaryong paliwanagan lang ito pero lumaki ng lumaki ang isyu.

Nagpaliwanag ako (sa sulat) na hindi ko naman tinatanggihan ang bagong assignment ko pero hintayin lang munang lumaki-laki ang aking anak para pwede ko na siyang iwan sa gabi.

Aba hindi daw at sundin ko daw ang kanyang utos dahil yun daw ay may basbas ng nakatataas.

Dito ko na nalaman kung bakit sukdulan ang galit ni Failon sa akin. Merong nagsumbong sa akin na dinig na dinig daw niya na sinisiraan ako ni Bodjie dahil gusto nyang makuha ang aking time slot as news producer: Without even checking details kung may katotohanan nga ang istorya ay nilagay agad ako ni Ted sa panggabi.

Doon na nagkaron ng rift..wala akong malapitan at mahingan ng tulong noon...pumapayat nako dahil 5buwan din akong nasa panggabi at hindi pa halos nakaka recover sa panganganak.

Actually dalawa kaming magkatulong sa laban na ito pero hindi ko na siya isasali sa kwento altho grabe din ang pang aaping naransan niya. (Isang buwan na lang at siya ang magiging head ng newsroom) pero dahil nakikisimpatiya siya sa akin ay ginawa na lang siyang newsbreak writer ng FM station.

Anyway, huling nilapitan namin for help was the general manager Rolly Cruz aka RVC+.

Siya ang tumulong sa akin para mabigyang hustisya ang aking sinapit na kaapihan.At siya ang kumalampag sa rank and file union para kumilos at tulungan ako.

That time , nobody wants to touch you with a ten-foot pole dahil pader ang aking kinalaban.
At yan din ang dahilan kung bakit namulat ako sa karapatan ng mga manggagawa. Kaya naging aktibo ako sa Unyon!

I miss you, sir RVC. Siguro kung buhay ka pa...hindi namin sasapitin ang mapait na aming dinanas noong 2005.

With all that is happening with Abs-cbn right now, do you think it deserve all of it? Let us know.

Don't forget to share this to all your Facebook friends!

Dating Abs-Cbn reporter, idinetalye kung paano siya pinag-initan at inabuso sa Kapamilya Network Dating Abs-Cbn reporter, idinetalye kung paano siya pinag-initan at inabuso sa Kapamilya Network Reviewed by AsianPolicy.Press on 4:49:00 AM Rating: 5

Post AD