Header AD

GMA-7 creative writer takes jab at ABS-CBN's tax avoidance scheme

Ipinagmamalaki ng creative writer na si Suzette Doctolero ang pagbabayad ng GMA-7 ng tamang buwis sa gobyerno.

Nanggagaling ito sa pagkukumpara sa binayarang taxes ng GMA-7 at ng ABS-CBN mula 2017 hanggang 2019.

Sa hearing ng franchise renewal ng ABS-CBN sa Kongreso kahapon, May 26, ikinumpara ni Deputy Speaker at SAGIP Party List Congressman Rodante Marcoleta ang tax payments ng dalawang higanteng network.

Noong 2017 ay nagbayad ang GMA-7 ng P1.09 billion, kumpara sa P421 million na ibinayad ng ABS-CBN.

Noong 2018 ay P1.08 billion ang binayarang tax ng GMA-7, samantalang hindi nagbayad ang ABS-CBN dahil ginamit ng network ang tax credits nito.

“Because of this unconscionable tax avoidance scheme," pag-aakusa ni Marcoleta, "ABS-CBN’s alleged effective tax rate in 2018 was at -5 percent.

"This means that ABS-CBN managed to avoid paying taxes in 2018.”

Dagdag pa ng mambabatas, “Bakit po ang GMA-7 na hindi kasing laki o kasing yaman ng ABS-CBN ay nakapagbayad ng buwis sa pamahaalaan ng 1.6 billion pesos nung 2018?

"Samantalang ang mala-alamat na ABS CBN ay walang binayarang buwis?

"Bakit naman nakalibre ang ABS-CBN noong 2018 sa negative income tax nila na P84 million?”

Ayon kay Marcoleta, dahil sa paggamit ng ABS-CBN sa pag-aari nitong subsidiary—ang Big Dipper Digital Content and Design Inc.—bilang tax shield, nagkaroon pa raw ng tax credit ang ABS-CBN sa gobyerno.

Wika niya, “Ibig sabihin po nito ay may tax credit pa ang ABS-CBN at ang gobyerno pa ang lumalabas na may utang dito.

"Wala pong pagkakaiba ito, mga kababayan, sa isang taong nangutang sa tindahan, binigyan pa ito ng sukli.”

Ang main customer daw ng Big Dipper na isang foreign Hungary-registered company, ay ang nagmamay-ari mismo nito, ang ABS-CBN.

Noong 2019, tinatayang mahigit P1 billion ang binayaran ng GMA-7.

Pero ang ABS-CBN ay hindi rin daw nagbayad ng kaukulang buwis dahil sa pakikipagkasundo ng Kapamilya network sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Tinanggap daw ng BIR ang tax settlement ng ABS-CBN na nagkakahalaga lamang ng P152 million.

Hindi pa nagbigay ng diretsong pahayag ang ABS-CBN ukol sa mga hinimay ni Congressman Marcoleta na datos ukol sa kanilang binayarang buwis sa maliit lamang na halaga.

Sa Facebook post naman ni Suzette, nag-react ito sa inilabas na graph ni Marcoleta.

Paglilinaw muna ng manunulat ng GMA-7, gusto raw niyang makabalik sa ere ang ABS-CBN dahil wala raw saysay ang kumpetisyon kapag walang kalaban.

Ipinasara ang ABS-CBN noong Mayo 5, isang araw matapos mapaso ang legislative franchise nito.

Sabi ni Suzette, “Lilinawin ko: gusto kong magbalik ang ABS CBN kasi gusto ko na may kumpetisyon.

“Boring ang wala. Di na masaya. At di healthy.

“Mas gusto kong manalo na may kalaban. Mas may paksyet moment.”

Ilan sa mga tumatak na katha ni Suzette sa telebisyon ay ang Encantadia (2005-2006), Amaya (2011-2012), My Husband's Lover (2013), The Rich Man's Daughter (2015), at Sahaya (2019).

GMA-7 creative writer takes jab at ABS-CBN's tax avoidance scheme GMA-7 creative writer takes jab at ABS-CBN's tax avoidance scheme Reviewed by AsianPolicy.Press on 10:54:00 AM Rating: 5

Post AD