Header AD

Gobyerno, may utang pa sa ABS-CBN dahil sa 'tax avoidance scheme' ng Kapamilya Network

Sa pagdinig sa mababang kapulungan ukol sa legislative franchise ng ABS-CBN, inisa-isa ni Congressman Rodante Marcoleta ang mga kasalanan ng ABS-CBN.

Isa dito ay ang paggamit diumano ng ABS-CBN ng mga pamamaraan para makaiwas sa pagbabayad ng buwis.

“ABS-CBN also violated the terms and conditions of its franchise by engaging in tax avoidance schemes which deprived the government of the much needed revenue,” pagsisiwalat ni Marcoleta.

“It used its fully owned subsidiary, Big Deeper Digital Content and Design Inc., a PEZA (Philippine Economic Zone Authority) registered company as tax shield. Its main customer is ABS-CBN hungary. And because of this tax avoidance scheme, ABS-CBN alleged effective tax rate in 2018 was at negative 5 percent. This means that ABS-CBN manage to avoid paying taxes in 2018, ” paliwanag ni Marcoleta.


Kinumpara din ni Marcoleta ang ABS-CBN laban sa GMA7. Ayon kay Marcoleta, ang Kapuso network daw ay nagbayad ng P1.3 billion noong 2018 habang ang ABS-CBN ay walang binayaran dahil sa tax credit nito.

“Bakit ang GMA 7 na hindi kasing laki o kasing yaman ng ABS-CBN ay nakapagbayad ng buwis sa pamahalaan ng P1.6 billion noong 2018. Samanatalang ang ABS-CBN ay walang binayarang buwis. Bakit naman nakalibre ang ABS-CBN noong 2018 sa negative income tax nila na 84 million. Ibig sabihin nito ay may tax credit ang ABS-CBN at gobyerno pa ang lumalabas na may utang dito. Wala po itong pagkakaiba sa isang taong umutang sa tindahan at binigyan pa ng sukli, “ dagdag pa ni Marcoleta.

Maliban sa tax avoidance scheme, tinalakay din ni Congressman Marcoleta ang mga kaso ng Kapamilya network sa mga manggagawa nito. Pati ang paninigil ng ABS-CBN para sa kanilang TV Plus Black Box at Kapamilya Box Office Channel ay pinuna din ng kongresista.

Nag reak naman ang maraming netizens tungkol sa pagbubunyag ng kongresista kabilang na ang creative writer ng GMA-7 na si Suzette Severo Doctolero.

"Lilinawin ko: gusto kong magbalik ang ABS CBN kasi gusto ko na may kumpetisyon. Boring ang wala. Di na masaya. At di healthy. Mas gusto kong manalo na may kalaban. Mas may paksyet moment.

Di ko alam kung bakit ganito ang figures nung sa kabila, nakakapagtaka nga naman pero ‘di ako accountant kaya ayokong ianalisa..bahala kayo diyan.

Pero proud ako bilang kapuso.
Kasi may integredad sa pagbabayad ng tax ang kompanya ko. Oo kailangan kong sabihin ito. Kasi ‘tangina naman o. Alam kong ‘di ilegal ang tax avoidance pero bakit naman kumuha pa ng 84m sa gobyerno? Hindi ba’t tax din natin ito? Tsk. Imbestigahan din sana ang BIR. Bash ninyo ako, wala akong pake. Pero proud ako na di namin kayo ginagago. Period."


Gobyerno, may utang pa sa ABS-CBN dahil sa 'tax avoidance scheme' ng Kapamilya Network Gobyerno, may utang pa sa ABS-CBN dahil sa 'tax avoidance scheme' ng Kapamilya Network Reviewed by AsianPolicy.Press on 11:39:00 AM Rating: 5

Post AD