Header AD

Megastar Sharon Cuneta secretly donates 3M pesos for COVID-19 efforts

Pakiusap ni Sharon Cuneta sa publiko, "Magkaisa na po tayo. Peace muna puede?"

Lihim na nag-donate si Megastar Sharon Cuneta ng P3M para sa COVID-19 relief, partikular sa mga overcrowded na ospital na patuloy na lumalaban sa virus.

Isiniwalat ito ng kaibigan at kapwa actress niyang si Angel Locsin.

"BTW, Ms. Sharon donated a whopping 3 MILLION PESOS para makatulong kahit paano sa overcrowded hospital situation ngayon.

"Binigay niya ito ng KUSA at AYAW IPAALAM. Pasensiya na po Ms. Sharon at nasabi ko, ha? Just wanted to share my experience sayo kung gaano ka ka-charitable," sulat ni Angel.

Nagpasalamat naman si Sharon sa pagtatanggol sa kanya ni Angel.

"Dearest Angel, You didn't have to. But in truth, it's sad that in times like these when we should all be coming together to help those in need, to those of us who do help, meron at meron ka pa ring maririnig na masasakit na salita.

"I know you were hurt for me kaya mo nai-post ito. Thank you, my Angel.

"And saludo ako sa yo sa walang hanggan mo at walang kapagurang pagtulong sa kapwa natin.

"Ang hirap din tumulong. Kahit galing sa puso mo, may kokontra pa rin. Pero sabi ng Diyos “Do not tire of doing good...”

"Sana magkaisa talaga ngayon. God is teaching all of us lessons through this pandemic.

"Maybe one of them is to be kind to one another and to help in every little way we can even though no one is praised.

"It's unbelievable to me how mean some people truly are no matter what their fellow human beings may be going through.

"God sees. God knows. And HE is the only one worth 'impressing.'

"Magkaisa na po tayo. Peace muna puede? Love you Angel.

"God bless you and all of us 'artistas' who are doing what we can to contribute.

"Also every single person who does the same kahit di artista. God bless the Philippines," sulat niya sa kanyang Instagram account.

Megastar Sharon Cuneta secretly donates 3M pesos for COVID-19 efforts Megastar Sharon Cuneta secretly donates 3M pesos for COVID-19 efforts Reviewed by AsianPolicy.Press on 9:15:00 AM Rating: 5

Post AD