Header AD

"President Duterte now looking for new Health Secretary" -Source

Duterte naghahanap na ng ipapalit kay DOH Secretary Duque?
Naghahanap na umano si Pangulong Rodrigo Duterte ng ipapalit kay Francisco Duque III bilang kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).

Ito’y makaraang madawit ang Health Secretary sa ilang kontrobersiya na may kinalaman sa kanyang pamamahala sa kalusugan ng mamamayan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“I understand the President is now looking around for somebody to replace Duque,” sabi umano ng ‘source’ ng Philippine Star.

Nasabi naman ng isa pang “source” na sa lalong mabilis na panahon ay kinakailangan nang gumawa ng hakbang ang pangulo.

Sagot ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mayroong kakayahan ang pangulo na palitan ang sinumang miyembro ng Gabinete oras na mawalan na ito ng tiwala sa kanya.

Pero paglilinaw niya, hindi pa niya makumpirma kung totoong papalitan na si Duque.

Ilang beses nang kinukuwestiyon ang kakayahan ni Duque sa pamamahala sa kagawaran habang dumaranas ng krisis ang bansa. Kabilang na dito ang pagsabing nasa “second wave” ang Pilipinas at ang sinasabing “overpriced” na medical equipment.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, isang mas epektibong lider sana ang papalit dito.

“Ang papalit kung sakali man hindi dapat pinupulitika at nababahiran ng pangungurakot o overpricing ang mga programang pangkalusugan at kaligtasan ng taumbayan sa gitna ng pandemya.”

Sabi naman ni Senator Panfilo Lacson, kinakailangan nang mag-resign ni Duque bilang sakripisyo para sa higit 868 na namatay at 14,035 na nagpositio sa COVID-19.

“Those people who did not even have the chance to be tested so they can be treated properly and not die in vain deserve an equal opportunity to be attended to by our health authorities.”

Binanggit din niya ang kawalan ng contact tracing at iba pang pagkukulang na lalong nagpalala sa pagkalat ng COVID-19.

"President Duterte now looking for new Health Secretary" -Source "President Duterte now looking for new Health Secretary" -Source Reviewed by AsianPolicy.Press on 3:50:00 PM Rating: 5

Post AD